LP 131: Makulay

December 23rd, 2010 Permalink

LP 130: Sarado (Close)

December 16th, 2010 Permalink

“Gitna”

December 10th, 2010 Permalink

As the first flower of spring, the daffodil is a symbol of hope. To the American Cancer Society, it represents the hope we all share for a future where cancer is no longer a life-threatening disease. – American Cancer Society

Spring break na ni Anakis. Isang araw, kahahatid ko pa lang kay Inday and I was having my breakfast nang lumabas ng kwarto si Anakis.

“Taytay, I want to tell you something”.  Seryoso ang dating ni Anakis (syet!) Ayoko ng ganito, di pa ko handa dito.  Ang tanging kaligayahan ko na lang sa buhay ko ay mapagtapos ng pag-aaral ang anak ko. Eto na siguro yung isang bagay na kinakatukan kong magyari. I have to be strong at ako na mismo ang nag tanong.

“Tell me, anak, are you pregnant?”

Biglang humagulgol ng iyak si Anakis.  Syet uli. Tama nga siguro ang kutob ko.  ” No that’s not it…  My Mom has breast cancer.”

Naawa naman ako itsura ni Anakis.  “She’s going to have a mastectomy,” dagdag pa nito.

Sa isang parte ng aking isipan ay may nagbukas na isang puting tabing.  Isang trailer ng teleserye ang kasalukuyang pinapakita.  Doon ay napansin ko si Joel Torre na malayo ang tingin. Wala namang tinatanaw at tila ba malalim ang inisip.  Habang pinapaikot sa mukha nya ang focus ng kamera ay patanong na nagsasalita ang anouncer. (with matching music, ha.)

Dapat ka bang mahabag sa isang taong yumurak sa iyong pagkatao?

Dapat mo bang ikatuwa ang sinapit nito dahil kahit minsa’y hindi mo magawang hindi mag-isp ng masama?

Dapat mo bang isiping ito’y bunga ng isang sumpa o di kaya ay isang kaparusahan?

Dapat ka bang magpatawad kahit sa huling sandali man lamang?

Kailan Ba Dapat Maantig Ang Isang Damdamin?

daffodils-001


03252009-0121

“Like a sturdy  tree
That’s seen a thousand seasons,
I’ve to shed my leaves in winter
To grow them back in spring
To welcome life again
To welcome you ”     -Basil Valdez

Ay! Salamat at dumating din.  Bakit nga ba ang winter eh parang never ending. Anyways,  Last Sunday,  pinatakbo ko ang economiya na America.  Pinilit ako ni Inday ko na bumili ng walking shoes.  Payo ni Ate Sienna, kailangan daw eh gumastos ako para gumanda ang ecomiya. Feeling ko tuloy eh ako ang nagpabagsak ng economy.

Kanina nag walking na kami ni Inday.  Although spring na at marami nang nag blu-bloom kung anu ano at kung saan saan eh malamig pa rin.  We ended up walking in the mall.

Worried si Inday kasi nga marami nang masakit sa aking buong katawan. Baka raw di ko kayang mag-brisk walking.  Me ?  Syempre,worried din naman ako kay Inday.  Pero not  because bionic ang puso niya.  Mas worried ako kasi ang daming sales sa mall.  Baka di kayanin ni Inday lumakad ng tuloy-tuloy.  Ngek!

03252009-008

Habang binabay namin ni Anakis ang kahabaan ng Interstate 95 patungo sa Philadelphia.  Nabangit ni Anakis ang tungkol sa kanyang ina.  Isang bagay na matagal na naming di binabangit sa isa’t isa.  Di umano’y nagpapalam itong manood ng recital ni Anakis sa March 21.

Isang tanong din ang aking na-isagot, “Why all of a sudden?”   at sa loobin ko…

Why all of a sudden?  Ba’t di noong kasalukuyang namo-mobrelema tayo sa pangmatrikula mo, anak ko?

Why all of  a sudden?  Ba’t di noong halos pati refrigerator ay i-unplugged na natin para makatipid sa koryente.

Why all of a sudden?   Ba’t di noong kasalukuyang kang nanga-ngailangan ng mga gamit sa iskwela.

Why all of a sudden?  Ba’t di noong kailangan may maglaba at kailangan may mamalantsa ng isu-suot mo dahil male-late ka  na.

Why? Why? Why?  Liwayway…

Ito Na Nga Sana

March 5th, 2009 Permalink

fujifilm

Nasalubong ko ang snow storm on my way back home from Philadelphia.  I just droped my anakis to her dormitory.

Di sana ko aabutan ng bagyo but I just can’t resist passing by China Town.

Nalibang ako sa pamimili and I did not realize na grabe pala ang snow na darating.

I got home safe, Thank God! I was like a weather man that night, monitoring the snow.

Finally, Monday afternoon the snow stopped but the cold wind is still blowing. The shoveling begun.

My cabin fever was starting to kick in when all of a sudden,  In front  my window  I saw a Blue Jay.

I hope that this is a sign na patapos na ang winter.   Ito na nga sana.

IBALIK  N’YO KO SA PILIPINAS!

“Give a man a fish; you have fed him for today. Teach a man to fish and you might as well teach him how to cook it”

Its been a busy summer for me and Inday. Our plan to celebrate Anakis’ birthday at Vegas was canceled coz Anakis got a major role in one of plays at Baltimore Theater Project. Bare: the musical. And that made her busy all summer long.

Like millions of Americans, our summer vacations are also affected by the high cost of gasoline. Kaya naman like millions of Americans, we tried to enjoy our vacation within the state where we live in. Bakit nga ba hindi, eh kung yung mga tourist eh nag tu-tour dito and they’re lovin’ it. So why not, diba?

Bermuda used to be my sanctuary every summer , pero ngayon I was forced to to discover the beauty of the Chesapeake Bay.

I was hooked up with fishing at the bay.

Sabi nila fishing brings inner peace and much joy to a person. That there is something in you, deep in your soul that is involved in fishing. (Syet, ang lalim non…)

Kaya naman tuloy, minsan feeling ko eh ako yung Old Man By The Sea ni Earnest Hemingway. One time, habang nangingisda eh kung anu-anong pumapasaok sa isip ko. I want to realize kung ano nga ba itong “something in me ” na sinasabi nila. At that time napansin ko na walang kumagat na isda. Medyo napipkon na ako, bigla kong naisip na gamitan ko na lang kaya ng dinamita to.

Natawa ako sa sarili ko kasi narealize ko eto nga yung something in me – yung latent self ko na gusto kong nagpapasabog ng kung ano-ano. hehehehe

Mayamaya pa eh, meron akong natanaw na isang malaking mama. Nakasuot ng unipormeng berde na vest. Napansin kong papalapit sa akin. Malayo pa eh naglaro na sa isip ko… eto na kaya yung upgraded version ng meeting ni JC and the apostles. Anyayahan kaya ako nitong mamang to na maging mamalakaya ng tao? O-oo ba ko o hi-hindi?

Anak ng tokwa, pulis pala. At hinahanapan ako ng lisensya. Kaya pala wala kumagat na isda eh wala akong dalang lisensya para mangisda. Naisip ko matatalino ang isda rito ha, nagtawag pa ng pulis. Sinabi ko sa mamang pulis naiwan ko sa sakyan. At ang mamang pulis eh pinakuha sa kin ang license ko.

Medyo late na ng magdatingan ang isda (galing siguro sila sa school) kaya naman tinigilan ko na rin ang pag-iisip ng kung anu-anong inner peace and joy na yan.

Mas pinangangambahan ko ngayon ang lungkot at galit (mas yung galit syempre) sa mukha ni inday kapag wala akong maiihain sa hapunan.

Sabi nila fishing brings inner peace and much joy to a person. Sabi ko naman mas makakamit ko ang inner peace and much joy kung luto na ito.

21

May 20th, 2008 Permalink

Summer is almost here.  Bakasyon na si anakis.  I just picked her up sa Philadelphia yesterday.  I can’t believe she’ll be senior next year.  Syet, tumatanda na talaga ako.

Habang papauwi na kami she was telling me stories about her school and friends.  It must been the driving or something, pero minsan meron siyang mga sinasabi na hindi ko marinig.  At syempre, my reaction is “huh?”, “what?”.  At eto namang si anakis uulitin nga yung sinabi pero may karag-dagan pang “LOLA” sa huli.  Syet, para na nga ba akong si Inang?

I had to say something… “Anak, I think I’m normal. In my generation hearing loss starts at 40’s.  And according to studies, your generation will start to experience hearing loss in your 30’s.  Thats because of the invention of I-pods. That’s why be careful with those I-pods.” At syempre palibhasa unica hija si anakis at wala mapasahan ng sermon, ang sagot nya eh dapat daw pagsabihan ko yung mga pinsan nya.  Nandamay pa ng pinsan.

She keeps telling me that she could’nt wait to turn 21 and I kept telling her not to rush it. She can’t wait to go to the bars, the casinos, etcetera.

Bigla akong nag-isip and I told her, “Anak, I think we’re on the stage that we both think exactly the same.  We are on the stalemate part of our lives.”  Si anak naman ang napa-“what?”.   Yes, I wish I’m 21 and you wish you’re 21 too. Natawa na lang si anakis.

Summer is almost here.  Bakasyon na si Anakis.  I  just picked her from Philadelphia yesterday.  I can’t believe she’ll be senior next year. 

Syet, saang kamay na naman kaya ng Maykapal ako kukuha ng pang tuition?

Welcome Home, Anakis!

And for viewers like you, isang maikling palabas from my anakis.

It’s Mother’s Day . In corporate America these has always been a big bussiness opportunity for the flower shops, the card shops and not to mention the restaurants.  Sa restaurant palang eh , you’ll be lucky if you’ll get seated on the same day without reservation.  Even food chains like Mac Do or Burger King siguradong kadaming tao.

For many years now, we always end up with barbeque at my Inang’s House.  We always tried to cook food for her but so far, we haven’t had any success.  Medyo may katigasan ang ulo ni Inang.  She will always do what she wants to do and she’s beeing doing it extra-ordinarily.  And that, is being “A Mother”.

What really is mother’s Day? When is Mother’s Day?  When was the first Mothers Day celebrated?  Well, isa lang ang ma-isa sagot ko – eh di I-Google mo!

There are still answers that I’ve been searching for regarding Mothers Day, that is, when do we really call mother  “The Mother”:

Does the term “Nine Months “ really entitle you to be called “The Mother”?

Does the term “The Mother” end its term after “Nine Months”?

Whatever happened to the term “from womb to tomb” ?

Sino nga ba ang mas may karapatang sa titile na “the mother”?  Siya ba na nagsilang ng sangol ngunit sa pag-ibig ay butata o siya ba na di pinalad na mag-luwal subalit sagana naman sa pag-aaruga?

Ano nga kaya ang tunay na kahulugan ng ” INA”

What realy is the operational meaning of the term “the mother”?

Ina, kailan ka nga ba dapat tawaging ina… o dapat nga ba?

Happy Mother’s Day sa lahat ng karapat dapat!