Category: Family

“Give a man a fish; you have fed him for today. Teach a man to fish and you might as well teach him how to cook it”

Its been a busy summer for me and Inday. Our plan to celebrate Anakis’ birthday at Vegas was canceled coz Anakis got a major role in one of plays at Baltimore Theater Project. Bare: the musical. And that made her busy all summer long.

Like millions of Americans, our summer vacations are also affected by the high cost of gasoline. Kaya naman like millions of Americans, we tried to enjoy our vacation within the state where we live in. Bakit nga ba hindi, eh kung yung mga tourist eh nag tu-tour dito and they’re lovin’ it. So why not, diba?

Bermuda used to be my sanctuary every summer , pero ngayon I was forced to to discover the beauty of the Chesapeake Bay.

I was hooked up with fishing at the bay.

Sabi nila fishing brings inner peace and much joy to a person. That there is something in you, deep in your soul that is involved in fishing. (Syet, ang lalim non…)

Kaya naman tuloy, minsan feeling ko eh ako yung Old Man By The Sea ni Earnest Hemingway. One time, habang nangingisda eh kung anu-anong pumapasaok sa isip ko. I want to realize kung ano nga ba itong “something in me ” na sinasabi nila. At that time napansin ko na walang kumagat na isda. Medyo napipkon na ako, bigla kong naisip na gamitan ko na lang kaya ng dinamita to.

Natawa ako sa sarili ko kasi narealize ko eto nga yung something in me – yung latent self ko na gusto kong nagpapasabog ng kung ano-ano. hehehehe

Mayamaya pa eh, meron akong natanaw na isang malaking mama. Nakasuot ng unipormeng berde na vest. Napansin kong papalapit sa akin. Malayo pa eh naglaro na sa isip ko… eto na kaya yung upgraded version ng meeting ni JC and the apostles. Anyayahan kaya ako nitong mamang to na maging mamalakaya ng tao? O-oo ba ko o hi-hindi?

Anak ng tokwa, pulis pala. At hinahanapan ako ng lisensya. Kaya pala wala kumagat na isda eh wala akong dalang lisensya para mangisda. Naisip ko matatalino ang isda rito ha, nagtawag pa ng pulis. Sinabi ko sa mamang pulis naiwan ko sa sakyan. At ang mamang pulis eh pinakuha sa kin ang license ko.

Medyo late na ng magdatingan ang isda (galing siguro sila sa school) kaya naman tinigilan ko na rin ang pag-iisip ng kung anu-anong inner peace and joy na yan.

Mas pinangangambahan ko ngayon ang lungkot at galit (mas yung galit syempre) sa mukha ni inday kapag wala akong maiihain sa hapunan.

Sabi nila fishing brings inner peace and much joy to a person. Sabi ko naman mas makakamit ko ang inner peace and much joy kung luto na ito.

21

May 20th, 2008 Permalink

Summer is almost here.  Bakasyon na si anakis.  I just picked her up sa Philadelphia yesterday.  I can’t believe she’ll be senior next year.  Syet, tumatanda na talaga ako.

Habang papauwi na kami she was telling me stories about her school and friends.  It must been the driving or something, pero minsan meron siyang mga sinasabi na hindi ko marinig.  At syempre, my reaction is “huh?”, “what?”.  At eto namang si anakis uulitin nga yung sinabi pero may karag-dagan pang “LOLA” sa huli.  Syet, para na nga ba akong si Inang?

I had to say something… “Anak, I think I’m normal. In my generation hearing loss starts at 40’s.  And according to studies, your generation will start to experience hearing loss in your 30’s.  Thats because of the invention of I-pods. That’s why be careful with those I-pods.” At syempre palibhasa unica hija si anakis at wala mapasahan ng sermon, ang sagot nya eh dapat daw pagsabihan ko yung mga pinsan nya.  Nandamay pa ng pinsan.

She keeps telling me that she could’nt wait to turn 21 and I kept telling her not to rush it. She can’t wait to go to the bars, the casinos, etcetera.

Bigla akong nag-isip and I told her, “Anak, I think we’re on the stage that we both think exactly the same.  We are on the stalemate part of our lives.”  Si anak naman ang napa-“what?”.   Yes, I wish I’m 21 and you wish you’re 21 too. Natawa na lang si anakis.

Summer is almost here.  Bakasyon na si Anakis.  I  just picked her from Philadelphia yesterday.  I can’t believe she’ll be senior next year. 

Syet, saang kamay na naman kaya ng Maykapal ako kukuha ng pang tuition?

Welcome Home, Anakis!

And for viewers like you, isang maikling palabas from my anakis.

It’s Mother’s Day . In corporate America these has always been a big bussiness opportunity for the flower shops, the card shops and not to mention the restaurants.  Sa restaurant palang eh , you’ll be lucky if you’ll get seated on the same day without reservation.  Even food chains like Mac Do or Burger King siguradong kadaming tao.

For many years now, we always end up with barbeque at my Inang’s House.  We always tried to cook food for her but so far, we haven’t had any success.  Medyo may katigasan ang ulo ni Inang.  She will always do what she wants to do and she’s beeing doing it extra-ordinarily.  And that, is being “A Mother”.

What really is mother’s Day? When is Mother’s Day?  When was the first Mothers Day celebrated?  Well, isa lang ang ma-isa sagot ko – eh di I-Google mo!

There are still answers that I’ve been searching for regarding Mothers Day, that is, when do we really call mother  “The Mother”:

Does the term “Nine Months “ really entitle you to be called “The Mother”?

Does the term “The Mother” end its term after “Nine Months”?

Whatever happened to the term “from womb to tomb” ?

Sino nga ba ang mas may karapatang sa titile na “the mother”?  Siya ba na nagsilang ng sangol ngunit sa pag-ibig ay butata o siya ba na di pinalad na mag-luwal subalit sagana naman sa pag-aaruga?

Ano nga kaya ang tunay na kahulugan ng ” INA”

What realy is the operational meaning of the term “the mother”?

Ina, kailan ka nga ba dapat tawaging ina… o dapat nga ba?

Happy Mother’s Day sa lahat ng karapat dapat!

Babati muna ko…

April 7th, 2008 Permalink

Bago ko isaksak uli ang aking hinugot, nais ko munang batiin ang aking si Inday ng isang MALIGAYANG PAGTANDA!

Biernes pa lang ay sinumulan na namin ang celebration. Pinag-half day ko si Inday sa trabaho dahil manonood kami ng concert ni anakis sa Philadelia. Plus she had physical exam prior to that – a mammogram to be exact. Mag di-dinner sana kami sa Chinatown sa Philadelphia pero dahil ang tindi ng daloy ng trapiko, eh we ended up with the takeout. Naubusan na rin kami ng Roast Pig kaya nauwi kami sa Roast Duck. We love Roast Pig (not to be mistaken with Roast Pork) kasi this is the closest as we can get to a lechon or lechon kawali. Anakis’ concert went very well nga pala.

Sabado, Inday continued with her physical exam in the morning. I went to Inang’s house. With the help of my Big Brother, tinulungan namin si Inang na mag spring-cleaning. Gamit ang itak at chainsaw, nagputol kami ng punong kahoy.

Pananghalian na ng muli kaming magkita ni Inday. Laking awa at takot ang nadama ko sa aming muling pagkikita. Awa dahil putlang-putla at nanginginig pa siya sa gutom. Pasa-pasa rin ang mga braso ni Inday na sa wari mo’y binurdahan ng plebotomist.

Takot ako! Eh panong di ako matatakot. Alam nyo bang si Inday eh maiinitin ang ulo kapag sobrang gutom. Kaya medyo iwas-pusoy ako kesa mabugbog. Buti na lang at nasa bahay kami ni Inang (di nya ko pweding galawin he he he). Ipinaghain sya ni Inang ng masarap na pagkain with bonus soup of the day ni Inang – Tahong. And at that very monument eh biglang nanumbalik muli ang kasayan at kagandahan sa mukha ng aking si Inday.

Sabado Night, napag-kaisahan namin ni Inday na mag-date. Mag-di-dinner cruise sana kami sa Inner Harbor subali’t may kalamigan pa rin ang simoy ng hangin. Napagpasyahan na lang namin mag-dinner theater subali’t soldout yung show. Nauwi kami sa isang Japanese Restaurant. Enjoy na rin, pinanood na lang namin kung paano malaro ng apoy ang mga Japanese chef at kung paano nila paglaruan ang kanilang mga itlog bago ito batihin.

Di na namin nagawa pang manood ng sine after that. Medyo nabusog kasi ako at feeling ko na kapag nanood pa kami ng sine for the surest sure and 101 percent sure eh siguradong makakatulog ang bida.

Sunday, actual na kapanganakan ni Inday. Madaling araw palang, tulog pa ang mga anghel at medyo hinika-hika pa ko due to seasonal allergy eh sinimulan ko nang magluto ng Pansit Palabok (for long life daw) at Kare-kare (for me!).

Hinatiran namin ng pagkain si Inang. Nagluto pala ng kakasa kaba cake si Inang para kay Inday. Minabuti ni Inday na bisitahin ang mabait na pamilya na kumupkop sa kanya nong sya’y kasalukuyang naninilbihan sa Hagerstown.

Na touch ako sa kanyang adhikain na makasama ang kanyang mga kaibigan sa kanyang kaarawan kaya lalo kong pinasarap ang luto ko. Lunch time exacto dumating kami sa Hagerstown. So ayon, chika-chika, siempre kwentuhan… minsan may halong green at kadalasan puro green. Maya-maya pa ay nagpaalam si Inday at may titignan lang daw sila sa tindahan.

Aha! kaya pala gusto ni Inday dito eh katabi pala ng Prime Outlet Stores. Na-isahan na naman ako ni Inday. Naiwan kaming mga kalalakihan sa bahay. Si Inday at sampu ng kanyang mga kasama ay sinugaradong sarado na ang outlet bago umuwi ng bahay. In fairview, me pasalubong ako!

We came home late, medyo pagod pero we had a good time. Mukhang nag-enjoy naman ang aking si Inday. Pagkatapos mag hilamos at magbihis ng pangtulog, I asked her, “do you feel alright?” and she said “yes! I feel wonderful tonight”.

…at kami’y nagkalimutan.

Para sa inyo, ang isang bahagi ng recital ni anakis.

So eto na nga ako, still trying hard na magkaroon ng sariling blog. Isa pang bagay na pino-problema ko eh kung ano ba dapat ang laman ng blog.

Contents o Nilalaman: One of best blogs na talaga namang hinahahangaan ko is Jim Paredes’ Writing On Air. Para sa ‘kin kung ihahalintulad ang blog sa beer, eh …Ito ang Beer!

I was hoping na sana ganon ang kalabasan ng blog ko pero mukang di kakayanin ng budget ko…este ng brain waves ko. So I have to consult my personalized, digitalized and super sized blog guru, none other than…(drum roll please..) si Inday! At siempre as expected, ang payo ni Inday “… chenes, chenes, chuva chuva, achuchu achuchu, eklavu, eklava, trulalu, trulili, etchetera etchetera…” WOW! Itong si Inday, ang galing talaga para siyang si Tiya Delly Magpayo in her own field of practice. Wala akong masabi sa aking sarili kundi ” Dyos ko po!…NALOKA AKETCH!

Ewan ko nga ba dito kay Inday o, kapag ganyang usapan na eh para siyang si Mel Tiangco at Mike Enriquez ng Beinte Quatro Oras. Walang Kinikilingan!… Kaya ayon, minsan pati ang aking mahal na Ina eh pinatos. Kinuwentuhan ni Inday ang aking mahal na Ina at siempre uli as expected kay Inday “”… chenes, chenes, chuva chuva, achuchu achuchu, eklavu, eklava, trulalu, trulili, etchetera etchetera…” me halo pa itong pa “Pramis talaga, madir”. Para bang si Inay, na trulala. Walang syang nasagot kundi, “ano’ng pinapramis mo?”

Mother and Gabe at DCJust listening to the conversation of these two lovely women of my life is an entertainment in itself. Minsan yan bigla nalang hahagikgik ng tawa si Inday. My mother, she is 74 years old pero di nyo aakalain ganon na sya katanda. She is still very much active physically and mentally. She does lots of excercise and most of all she can still run after her 2 year old grandson. Retirement for her is a no-no, for her it is like putting herself on the waiting list. One of the good things about my mother is that she is more like a “kabarkada” to us. Kahit anong lakaran sasama yan.

May kahinaan na rin ang pandinig ni Inay kaya minsan kapag kausap mo siya feeling mo sinisigawan ka nya. Kung kakulitan naman ang pag-uusapan, from a scale of 1 to 10 (10 as the worst) eh wala pa naman siya sa 1. She is pleasantly makulit and that made her more fun to be with.

There is one thing that is rare, unique , bukod tangi and can only be notice with my Inang. That is, ewan ko ba sa lahat ata ng Ilocano eh si Inang lang ata ang bukod tangi na kapag nagsalita eh sounds more like Anabelle Rama… Yes, the Anabelle Rama as in…

” Dear te, Dear te, Dear te!!!” – sigaw ni Anabelle Rama kila Lorin at Veniz (mga anak ni Rofa) habang naglalaro ng tubig sa kanal.

Isang araw, it was spring time and we were doing some spring cleaning (…kaya nga spring cleaning eh, kasi spring). Pagkagaling sa trabaho after that night, nakiusap ako kay Inay na bantay-bantayan nya yung mga mag-tri-trim ng puno. So ayun, nagbantay si Inay and I went to sleep. All of a sudden, bigla na lang akong naalimpungakatan kasi ang aking Inay, ang aking pinakmamahal na Inay, para bang narinig kong sumisigaw. Kausap nya yung nagputol ng puno sa likod ng bahay,

“Be carefull with my son’s dick… my son have big dick “

Para bang gusto ko silang babain at i-explain na, “my mom means deck“. Naloka Aketch!

….hugot muna