Category: Work Hazzards

bedpanPasintabi po sa mga na-nanghalian. Sa tinagal-tagal ko na sa larangan ng aking hanap-buhay marahil ay maari ko ng sabihin na master ko na ang paghawak ng isang bedpan. Yakang-yaka ko na itong pa-ikut-ikutin na parang frisbee, sisiw na sisiw na gawing raketa ng Jai-alai at siguradong makasasalo ako ng bola ng beys bol kung dadalin ko ito sa ball park. Ang mga iyon naman syempre ginagawa lang kung ito’y di pa gamit.

Isang bagay lang ang di ko gusto kapag bedpan na ang pinag-uusapan. Hate na hate ko ito kapag ginamit na ng malaking pasyente o yung may mga ga-trosong ka-pwetan na ayaw kumilos. Kadalasan ang lahat ng bigat ng pasyente ay dumadagan sa bedpan.Napaka hirap tanggalin, feeling ko tuloy para akong nakikipag-tug-o-war. Me versus the weight of the patient plus the content of the bedpan.

It’s not rocket science. Pero can you imagine what will happen next kung bigla-bigla eh, mare-release sa pagkadagan ang may laman ng bed pan habang ubos lakas ko itong hinihila?

It was a great learning experience for me, a right there and then application of what I’ve learned in physics nung high school – Newton’s Law Of Motion.

Ang laman ng bedpan ay nagiging isang parang bato na ibinala sa tirador. Kung saan sya nakaturo siguradong dun ang punta ng laman. Salamat na lang kay FPJ kasi natuto ako sa kanya kung paano umilag.

Pero minsan, kapag minamalas-malas eh di maiwasang di mahawakan ang laman. At syempre dahil di mo gustong ma-offened ang alaga mo ay ngingiti ka pa rin. Di mo dapat ipakitang nandidiri ka. Bagamat gustong-gusto mo nang tumakbo sa gripo eh taas noo pa rin akong lalakad at dahan-dahang lalabas para maghugas. Pero sa loob-loob ko, nagngingitngit na ako. “Syet! Syet! (literally) shet! nahawakan ko… buti na lang at di ko natapakan!”

– – o O o – –

Kagabi habang akoy naglalakad sa madilim na hallway, ako’y may naulinigang isang ale na tumatawag. Ewan ko nga ba sa sarili ko kung bakit imbes na tawagin ko yung nag-aalaga eh ako na mismo ang lumapit.  Isang malaking pasyente ang aking nadatnan. Sa wari ko’y talagang ihing-ihi na.  “Can I have the bedpan pleeeease…”  Nagmamadali ko namang isinalang ang bedpan.

Hindi ko pa man naiaalis ang aking kanang kamay ay agad agaran nang nag-touchdown ang kapwetan. Naipit ng bahagya ang aking kanang kamay. Dulot na rin marahil ng matinding pangangailangan ay agad-agad ring bumuhos ang sama ng loob ng ale. Salamat po talaga at nainbento na ang Rubber Gloves!

… itutuloy