Kadarating ko palang sa trabaho ay uwing-uwi na ako. Sabado at walang pasok ang mahal ko, eto ako na ina-antok antok sa trabaho. Di man lang maka-idlip at baka mahuling nakapikit.

Sa bintana panay ang silip, umaasa sa liwanag na sasapit.

Malayo pa ang umaga…isang sakay pa!

I was fortunate enough to work with a new batch of nurses from the Philippines. Di naman sa pagmamayabang eh maraming pasyente (believe it or don’t) eh mas gusto nila kung Pinoy ang nurse nila.

Pinoy nurses are generally masipag, matyaga at masayahing kasama sa trabaho. And with regards to patient care eh hinding-hindi tayo pahuhuli. Dulot na rin marahil ng ating kinagisnang kultura. We are very caring in nature at kahit na mabigat ang assignment eh nakukuha pa rin nating ngumiti. Matindi rin ang ating sense of humor na sya ring nakakatulong sa mabilisang recovery ng may mga karamdaman.

Itong mga pinoy na nakasama ko ay di naiiba. They are willing to give their 110 percent para lang mapabuti ang lagay ng pasyente.

bedsheet na nakabuholThis may sound strange and funny. Itong group ng nurses na nakasama ko eh nagpauso ng trend na kapag feel nila na matsu-tsugi na ang pasyente eh binubuhol nila yung kanto ng bed sheet.

Pampahaba daw yon ng buhay. At depende rin sa pangangailangan minsan, lalu’t kung matindi ang pangangailangan eh yung apat na corner eh makikita mong nakabuhol.

For some unknown reason eh minsan effective naman daw. Meron mga pasyente na nakakita pa ng panibagong pag -sikat ng araw at meron ding pinapalad pa na maihatid at makatungtong pa sa intensive care unit.

Wala nga namang sigurong mawawala kung mag-tie ka ng knots sa bed sheet maliban sa magugusot ang pinagka ayos ayos mong sapin ng kama.

I’m not superstitious and I still don’t have any clue kung saang nursing school itinuro yon. Pero if we’re looking at it on another perspective, maiisip mo talaga na Pinoy nurses will do anything beyond their powers even if it meants praying for a HIMALA. – Iba talaga ang Pinoy!

… itutuloy tuloy.

Kahahatid ko lang kay Inday sa trabaho. I was planning to stay in Annapolis until afternoon kaya lang di ko nadala ang fishing gear ko. It’s 83 degrees C out there.    Sarap sana sa Chesapeake Bay, pero oks lang. I still have to pick-up my Inang from work at 12 noon.

Upon arriving home, I noticed that tulips are starting to bloom. I decided to take some pictures. I don’t know if its me or its just me – am I just sexually preocupied that’s why I’m seeing things this way: (Nasobrahan siguro) Bakit nga kaya ang tulips eh parang peks?

bedpanPasintabi po sa mga na-nanghalian. Sa tinagal-tagal ko na sa larangan ng aking hanap-buhay marahil ay maari ko ng sabihin na master ko na ang paghawak ng isang bedpan. Yakang-yaka ko na itong pa-ikut-ikutin na parang frisbee, sisiw na sisiw na gawing raketa ng Jai-alai at siguradong makasasalo ako ng bola ng beys bol kung dadalin ko ito sa ball park. Ang mga iyon naman syempre ginagawa lang kung ito’y di pa gamit.

Isang bagay lang ang di ko gusto kapag bedpan na ang pinag-uusapan. Hate na hate ko ito kapag ginamit na ng malaking pasyente o yung may mga ga-trosong ka-pwetan na ayaw kumilos. Kadalasan ang lahat ng bigat ng pasyente ay dumadagan sa bedpan.Napaka hirap tanggalin, feeling ko tuloy para akong nakikipag-tug-o-war. Me versus the weight of the patient plus the content of the bedpan.

It’s not rocket science. Pero can you imagine what will happen next kung bigla-bigla eh, mare-release sa pagkadagan ang may laman ng bed pan habang ubos lakas ko itong hinihila?

It was a great learning experience for me, a right there and then application of what I’ve learned in physics nung high school – Newton’s Law Of Motion.

Ang laman ng bedpan ay nagiging isang parang bato na ibinala sa tirador. Kung saan sya nakaturo siguradong dun ang punta ng laman. Salamat na lang kay FPJ kasi natuto ako sa kanya kung paano umilag.

Pero minsan, kapag minamalas-malas eh di maiwasang di mahawakan ang laman. At syempre dahil di mo gustong ma-offened ang alaga mo ay ngingiti ka pa rin. Di mo dapat ipakitang nandidiri ka. Bagamat gustong-gusto mo nang tumakbo sa gripo eh taas noo pa rin akong lalakad at dahan-dahang lalabas para maghugas. Pero sa loob-loob ko, nagngingitngit na ako. “Syet! Syet! (literally) shet! nahawakan ko… buti na lang at di ko natapakan!”

– – o O o – –

Kagabi habang akoy naglalakad sa madilim na hallway, ako’y may naulinigang isang ale na tumatawag. Ewan ko nga ba sa sarili ko kung bakit imbes na tawagin ko yung nag-aalaga eh ako na mismo ang lumapit.  Isang malaking pasyente ang aking nadatnan. Sa wari ko’y talagang ihing-ihi na.  “Can I have the bedpan pleeeease…”  Nagmamadali ko namang isinalang ang bedpan.

Hindi ko pa man naiaalis ang aking kanang kamay ay agad agaran nang nag-touchdown ang kapwetan. Naipit ng bahagya ang aking kanang kamay. Dulot na rin marahil ng matinding pangangailangan ay agad-agad ring bumuhos ang sama ng loob ng ale. Salamat po talaga at nainbento na ang Rubber Gloves!

… itutuloy

Babati muna ko…

April 7th, 2008 Permalink

Bago ko isaksak uli ang aking hinugot, nais ko munang batiin ang aking si Inday ng isang MALIGAYANG PAGTANDA!

Biernes pa lang ay sinumulan na namin ang celebration. Pinag-half day ko si Inday sa trabaho dahil manonood kami ng concert ni anakis sa Philadelia. Plus she had physical exam prior to that – a mammogram to be exact. Mag di-dinner sana kami sa Chinatown sa Philadelphia pero dahil ang tindi ng daloy ng trapiko, eh we ended up with the takeout. Naubusan na rin kami ng Roast Pig kaya nauwi kami sa Roast Duck. We love Roast Pig (not to be mistaken with Roast Pork) kasi this is the closest as we can get to a lechon or lechon kawali. Anakis’ concert went very well nga pala.

Sabado, Inday continued with her physical exam in the morning. I went to Inang’s house. With the help of my Big Brother, tinulungan namin si Inang na mag spring-cleaning. Gamit ang itak at chainsaw, nagputol kami ng punong kahoy.

Pananghalian na ng muli kaming magkita ni Inday. Laking awa at takot ang nadama ko sa aming muling pagkikita. Awa dahil putlang-putla at nanginginig pa siya sa gutom. Pasa-pasa rin ang mga braso ni Inday na sa wari mo’y binurdahan ng plebotomist.

Takot ako! Eh panong di ako matatakot. Alam nyo bang si Inday eh maiinitin ang ulo kapag sobrang gutom. Kaya medyo iwas-pusoy ako kesa mabugbog. Buti na lang at nasa bahay kami ni Inang (di nya ko pweding galawin he he he). Ipinaghain sya ni Inang ng masarap na pagkain with bonus soup of the day ni Inang – Tahong. And at that very monument eh biglang nanumbalik muli ang kasayan at kagandahan sa mukha ng aking si Inday.

Sabado Night, napag-kaisahan namin ni Inday na mag-date. Mag-di-dinner cruise sana kami sa Inner Harbor subali’t may kalamigan pa rin ang simoy ng hangin. Napagpasyahan na lang namin mag-dinner theater subali’t soldout yung show. Nauwi kami sa isang Japanese Restaurant. Enjoy na rin, pinanood na lang namin kung paano malaro ng apoy ang mga Japanese chef at kung paano nila paglaruan ang kanilang mga itlog bago ito batihin.

Di na namin nagawa pang manood ng sine after that. Medyo nabusog kasi ako at feeling ko na kapag nanood pa kami ng sine for the surest sure and 101 percent sure eh siguradong makakatulog ang bida.

Sunday, actual na kapanganakan ni Inday. Madaling araw palang, tulog pa ang mga anghel at medyo hinika-hika pa ko due to seasonal allergy eh sinimulan ko nang magluto ng Pansit Palabok (for long life daw) at Kare-kare (for me!).

Hinatiran namin ng pagkain si Inang. Nagluto pala ng kakasa kaba cake si Inang para kay Inday. Minabuti ni Inday na bisitahin ang mabait na pamilya na kumupkop sa kanya nong sya’y kasalukuyang naninilbihan sa Hagerstown.

Na touch ako sa kanyang adhikain na makasama ang kanyang mga kaibigan sa kanyang kaarawan kaya lalo kong pinasarap ang luto ko. Lunch time exacto dumating kami sa Hagerstown. So ayon, chika-chika, siempre kwentuhan… minsan may halong green at kadalasan puro green. Maya-maya pa ay nagpaalam si Inday at may titignan lang daw sila sa tindahan.

Aha! kaya pala gusto ni Inday dito eh katabi pala ng Prime Outlet Stores. Na-isahan na naman ako ni Inday. Naiwan kaming mga kalalakihan sa bahay. Si Inday at sampu ng kanyang mga kasama ay sinugaradong sarado na ang outlet bago umuwi ng bahay. In fairview, me pasalubong ako!

We came home late, medyo pagod pero we had a good time. Mukhang nag-enjoy naman ang aking si Inday. Pagkatapos mag hilamos at magbihis ng pangtulog, I asked her, “do you feel alright?” and she said “yes! I feel wonderful tonight”.

…at kami’y nagkalimutan.

Para sa inyo, ang isang bahagi ng recital ni anakis.

So eto na nga ako, still trying hard na magkaroon ng sariling blog. Isa pang bagay na pino-problema ko eh kung ano ba dapat ang laman ng blog.

Contents o Nilalaman: One of best blogs na talaga namang hinahahangaan ko is Jim Paredes’ Writing On Air. Para sa ‘kin kung ihahalintulad ang blog sa beer, eh …Ito ang Beer!

I was hoping na sana ganon ang kalabasan ng blog ko pero mukang di kakayanin ng budget ko…este ng brain waves ko. So I have to consult my personalized, digitalized and super sized blog guru, none other than…(drum roll please..) si Inday! At siempre as expected, ang payo ni Inday “… chenes, chenes, chuva chuva, achuchu achuchu, eklavu, eklava, trulalu, trulili, etchetera etchetera…” WOW! Itong si Inday, ang galing talaga para siyang si Tiya Delly Magpayo in her own field of practice. Wala akong masabi sa aking sarili kundi ” Dyos ko po!…NALOKA AKETCH!

Ewan ko nga ba dito kay Inday o, kapag ganyang usapan na eh para siyang si Mel Tiangco at Mike Enriquez ng Beinte Quatro Oras. Walang Kinikilingan!… Kaya ayon, minsan pati ang aking mahal na Ina eh pinatos. Kinuwentuhan ni Inday ang aking mahal na Ina at siempre uli as expected kay Inday “”… chenes, chenes, chuva chuva, achuchu achuchu, eklavu, eklava, trulalu, trulili, etchetera etchetera…” me halo pa itong pa “Pramis talaga, madir”. Para bang si Inay, na trulala. Walang syang nasagot kundi, “ano’ng pinapramis mo?”

Mother and Gabe at DCJust listening to the conversation of these two lovely women of my life is an entertainment in itself. Minsan yan bigla nalang hahagikgik ng tawa si Inday. My mother, she is 74 years old pero di nyo aakalain ganon na sya katanda. She is still very much active physically and mentally. She does lots of excercise and most of all she can still run after her 2 year old grandson. Retirement for her is a no-no, for her it is like putting herself on the waiting list. One of the good things about my mother is that she is more like a “kabarkada” to us. Kahit anong lakaran sasama yan.

May kahinaan na rin ang pandinig ni Inay kaya minsan kapag kausap mo siya feeling mo sinisigawan ka nya. Kung kakulitan naman ang pag-uusapan, from a scale of 1 to 10 (10 as the worst) eh wala pa naman siya sa 1. She is pleasantly makulit and that made her more fun to be with.

There is one thing that is rare, unique , bukod tangi and can only be notice with my Inang. That is, ewan ko ba sa lahat ata ng Ilocano eh si Inang lang ata ang bukod tangi na kapag nagsalita eh sounds more like Anabelle Rama… Yes, the Anabelle Rama as in…

” Dear te, Dear te, Dear te!!!” – sigaw ni Anabelle Rama kila Lorin at Veniz (mga anak ni Rofa) habang naglalaro ng tubig sa kanal.

Isang araw, it was spring time and we were doing some spring cleaning (…kaya nga spring cleaning eh, kasi spring). Pagkagaling sa trabaho after that night, nakiusap ako kay Inay na bantay-bantayan nya yung mga mag-tri-trim ng puno. So ayun, nagbantay si Inay and I went to sleep. All of a sudden, bigla na lang akong naalimpungakatan kasi ang aking Inay, ang aking pinakmamahal na Inay, para bang narinig kong sumisigaw. Kausap nya yung nagputol ng puno sa likod ng bahay,

“Be carefull with my son’s dick… my son have big dick “

Para bang gusto ko silang babain at i-explain na, “my mom means deck“. Naloka Aketch!

….hugot muna

Ay naku! siguradong matutuwa si Ate Sienna kapag na nabasa nya tong blog na to. Sa totoo lang, kay tagal tatagal din akong pinagtutulakan ni Inday upang mag blog.Kay tagal tagal ko rin pinag isipan kung anu ano ba dapat ang style ng blog ko.

Tagalog ba o English? Thas a milyon dollar question for me. Payo ni Inday, (with matching pa-sosyal arte) “use english para you have more audience,who knows baka maka-gets ka pa ng good endorsement..” (oh i love her when she does that,reminds me of our high school days …one of the very reason kaya di ko sya nilagawan nung high school.Sosyal ang dating…tipo bang kilig to the bone, feeling ko di ako papasa.) Anyways, bigla akong napangiti kasi naisip ko pwede pala kong kumita at masmalalaki kung english ang gagamitin. ENDORSEMENT! syet! feeling ko bigla ako si Tiger Woods naka suot ng Nayk o di kaya eh si Goma na nakasuot ng beneton.

On the other hand, biglang kong naisip di naman ako magaling umingles. I suddenly remember when my daughter was small and christmas tree where tall, sa twing umo-order ako sa drive thru believe or don’t palaging iba ang inaabot sa akin.Minsang umorder ako ng French Fries …eh bigyan ba naman ako ng large sprite. Kaya nga ba ayaw na ayaw mag-drive thru eh.(At kahit ngayon ,hangang ngayon kahit itanong nyo kay Inday, ayaw na ayaw ko ng drive thru.)When things like that happen my anakis will start lecturing me about proper english pronounciation tipo bang…” Tatey, repeat after me…broccoli, coffee …”.

Up to now, almost 21 years old na si anakis but she still does at may halo pang “tatey,you’ve been wathcing to much filipino chanel.” And as always, I just answer her with a quote from one of the APO’s song.” anak, epol…mansanas pareho lang yun,kinakain yun!”

… to be continued